Kumusta mga kaibigan. Napakatagal ko ring nawala sa ere. Salamat sa mga brother sites www.quinoy-ako.wordpress.com at www.my-japson.wordpress.com at patuloy akong na-a-update sa mga kaganapan sa Quirino. Napakarami rin ang nakikinabang sa mga balita at updates na nababasa sa mga sites na ito lalo na sa mga malalayo sa ating barangay.
Lubos akong nalungkot ng mabalitaan ang di magagandang balita na namaalam na sina Kagawad Ruben Dacumos at si Gng. Belen de Vera. Kami po ay nakikiramay lalo na sa mga anak ng dalawang pamilya na aming nakasama na sa aming paglaki sa Quirino.
Isa pa ring update, kaugnay sa pamamaalam ni Kagawad Ruben, humalili sa kanya bilang kagawad ang kaniyang anak at isa rin nating kaibigan na si Gary Boy Dacumos. Sabi nga ni kaibigang Quinoy, sana ay kanya ring pag-ibayuhin ang sipag sa bagong larangan na kanyang pinasok gaya ng kanyang husay sa paglalaro ng basketball.
Sa loob ng mga nakalipas na buwan ay napakarami kong natanggap na batikos sa di ko pagpapatuloy ng pag a-update sa ating tambayan. Marami naman sana akong natatangap na e-mails at mga larawan na pwede nating pag-usapan.
Paumanhin po sa mga taga-subaybay dahil naging busy na po ako at halos di na maharap ang mag-online. Natuwa lamang ako ng magbukas ako ng mga blogsites sa Quirino at sila ay patuloy na aktibo sa pagbibigay ng updates. Kasabay rin nito ang pakiusap sa akin ng ilang kaibigan na ituloy ang nasimulan na ng ating tambayan.
Kaya panawagan po para sa ma alumni o nagtapos sa ECRMNHS, pwede po natin muling gawing medium ang blogsite na upang ating pagsalu-saluhang muli ang ang naging tawanan, iyakan at lahat ng natatandaaang kaganapan sa ECRMNHS.
Salamat din kaibigang “Aerosmith” sa iyong mga ipinadalang larawan, paumanhin nga lamang at sa mahabang panahon ay di ko pa ito naibabandera dito. Hinihintay na rin ng marami ang mga bago mong kwento at mga larawan tungkol sa barangay Quirino.
Napakarami ring suhestiyon at tanong tungkol sa matagal ng balak na ECRMNHS Alumni Association. Welcome po ang site na ito sa pag-o-ooranisa nito. Maaari po kayong mag-e-mail kung ano ang gusto ninyong ipanawagan, mapa-reunion ng pamilya, batch, birthdays o pwede rin namin kayong tulungan sa paghahanap sa mga nawawalang kaibigan.
Tuloy na natin ang naputol na usapan, anong batch ka ba? Pakilala ka na!