Posted by Admin on August 24, 2008
Pinadala ng isang miyebro ng Batch ‘93. Halos 15 years na ang nakakalipas mula ng sila ay nagtapos at sadyang napakasaya ng kanilang muling pagtitipon tipon.
Ang larawan sa ibaba ay kuha sa Tagaytay mula sa kaliwa ay si Ronald Viloria, Erwin Aragon, Nick Marzan at Joni Casison.

Ang pangalawang larawan naman sa ibaba ay kuha sa Imus, Cavite. Mula sa kaliwa ay si Ronald Viloria, Joni Casison, Erwin Aragon, Nick Marzan at Marcelo Reyes.

Ang sumunod na larawan ay si Emmanuel delos Santos and son of Detailen.

Another member of batch ‘93 Emmanuel’s wife Rowena from Dikildit.

We are missing this one, a batch ‘93 politician Marlito Japson.

Mga kuha nina : zurcarer & aerosmith
May larawan ka bang nais ipakita sa buong mundo? E-mail mo na sa batangbalete@gmail.com
Posted in Batch 1993, ECRMNHS | 2 Comments »
Posted by Admin on August 19, 2008
Maligayang pagdiriwang sa pag gunita ng ika-130 kaarawan ng dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel Luis Quezon kaalinsabay ng pagdaraos ng pista ng Baler.
Ang sumusunod na post ay mula sa website ng batangbaler. Para sa detalyadong coverage ng lahat ng pangyayari na idinaraos sa naturang kapistahan bisitahin ang batangbaler.
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang ika-130 kaarawan ng Tala ng Baler, ang ating lolong si Manuel L. Quezon, antigung batang Baler. Ngayun din ang ika-399 na anibersaryo ng Baler. Sa susunod na taon ay quadcentennial ng Baler. Siguradong matending pagdiriwang ito. Para sa pagkakaalam ng wala pang may alam, ang pyesta ng Baler ay hindi itinapat sa kaarawan ni Pres. Quezon. Matagal nang pyesta ng Baler ang August 19. Nagkataon lang na pista siyang ipinanganak, kaya tipid sa handaan.
Narito ang wikipedia article tungkol kay Manuel L. Quezon
At narito naman ang tungkol sa Baler
Posted in Baler | Leave a Comment »
Posted by Admin on August 18, 2008
Habang binibisita ko ang isang old friend sa QC ay aking nakadaupang palad ang mga umuusbong na batangbalete. Laking gulat ko at sa paglipas ng panahon ay di mo namamalayan ang mga dating ugat ng balete ay mga sanga na ngayon.
Sa aming pag-uusap isa lang ang kanilang naging kahilingan, ang makita sa ating site ang kanilang larawan. Kaya’t narito na ang mga batangbelete sa QC, pagmasdan ninyo at kilalanin sila.

Kung ikaw ay batangbalete at nais mo ring ibandera sa buong mundo ang larawan ng iyong barkada, batch o pamilya, e-mail mo na sa batangbalete@gmail.com
Posted in batangbalete | 2 Comments »
Posted by Admin on August 10, 2008
Ako ay naimbitahan bilang isang ninong ng binyagan sa St. Mary’s Church sa Dubai si Djaurv Brithan Hungriano Hipol anak pareng Darwin Hipol at mareng Juville Hungriano Hipol.
Makikita din ninyo sa website ng kaibigan nating si Quinoy ang larawan sa ibaba. Huli man ay aking inihahabol ang pag po-post ng larawan ng mga batangbalete sa Dubai dahil narinig daw ng isang katoto na nakarating sa binyagan na habang kinukunan ang larawan sa ibaba ay may nagbanggit na “pang batangbalete itong picture na ito…intayun”.

Kahit saan talaga ako makarating ay maroon kang makikitang sanga ng isang batangbalete. Mula sa kanliwa ay sina Jojo Hungriano, Eddie Casison, Darwin Hipol, Dante Casison, Juville Hipol, Richard Casison, Adel de Vera, Jona Aguinaldo, Monet Casison, Jun Marzan, Adel Villaluz with Djaurv, Erwin Aragon, Nannete Parrocha at Itong Aguinaldo.
Sa lahat ng global batangbalete ang bawat larawang ipapadala ninyo upang ating maabot ang ating layunin na pagsamasamahing muli ang mga batangbalete sa internet ay tiyak na makikita sa ating tambayan.
Kaya’t e-mail na sa batangbalete@gmail.com
Posted in batangbalete | 4 Comments »
Posted by Admin on August 2, 2008
You are invited!

You can browse all detailed information about 59th Founding Anniversary of Barangay Quirino, Maria Aurora, Aurora at Quinoy ako!
Posted in Fiesta, Happenings | Leave a Comment »