Pantabangan, NE – Isa pong kumpirmadong malungkot na balita ang usap usapan hindi lamang sa Quirino ngayon kundi sa buong Pilipinas ang pagkakahulog sa bangin ng isang bus ng D’Liner sa alam nating lahat na mapanganib na “horse shoe” sa Pantabangan.
Isa itong napakalungkot na balita sa Quirino dahil dalawang kabatang batangbalete ang namatay at dalawa rin ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas dahil sa kritikal na kalagayan.
Ayon sa Quinoy blog ang mga nasawi ay sina Rogene Ronquillo, anak ni G. Rogenes “Pong” Ronquillo at Jed Santiago na anak naman ni Gng. Marilou Santiago. Samantalang ang mga nasugatan naman ay Sina SK Chairman Jansenn Dacumos at Aries Cortez.
Ang lahat ng batangbalete po ay taus pusong nakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng mga nasawi at dasal naman ang aming iaalay para sa mabilisang paggaling ng mga nasugatan.
Para sa kaugnay na mga balita buksan ang mga sumusunod na links. Maraming salamat sa mga sources.
- Quinoy : 2 Quinoy teens killed, 2 others critical in “horseshoe” bus accident.
- Batangbaler : D’ Liner Bus Bound for Casiguran Fell Off a Cliff in Pantabangan, More D’Liner Bus Accident News
- Inquirer : 9 killed as bus plunges off cliff in Nueva Ecija
- ABS-CBN : 9 killed as bus falls in ravine in N. Ecija
