batangbalete

Archive for February, 2008

January Birthday Celebrants

Posted by Admin on February 17, 2008

Paumanhin sa mga nagdiwang ng kaniwalang mga kaarawan noong buwan ng January at hindi natin sila nabigayan ng “greetings”. Pero di pa naman huli ang lahat. Sa katunayan marami nga ang nagtatampo. Marami rin ang nagsasabi na bakit di sila nasasama sa listahan, para sa kaalaman ng lahat sa friendster ko lamang nakukuha ang mga dates ng birthdays ng bawat isa kaya kung hindi ka pa connected as friend sa ating batangbalete friendster account, i-add mo na ito.

Marami na tayong miyembro sa friendster, baka nandun ang matagal mo ng hinahanap. I-check mo dito baka nandito sila.

BELATED HAPPY BIRTHDAY TO JANUARY CELEBRANTS

Kung sino man ang di nabanggit o may espesyal na pabati, panawagan o paanyaya. Sumigaw lang o mag-email sa batangbalete@gmail.com or ecrmnhs@gmail.com

Posted in Greetings | 4 Comments »

Valentines sa ECRMNHS

Posted by Admin on February 14, 2008

Kumusta na mga kabalete at kababayan sa Quirino, Debucao, Dikildit, San Leonardo, Detailen, Sta. Lucia , Bagtu o sa buong Maria Aurora? Mukhang walang ng nagpaparamdam ah. Wala lang siguro nagko-comment pero nakikita ko naman sa stats marami pa rin ang dumadalaw.

Back to the topic, araw ng mga puso bukas at marahil ay excited ang lahat ng mga taga ECRMNHS na pumasok sa school, parang ikaw noon. Noong panahon namin di pa uso ang text, dinadaan ang lahat sa sulat o love letter ika nga. Alam nyo bang ang uso noon ay isusulat sa mabangong papel na kung tawagin noon ay “stationery” ang love letter?Siguradong sa ngayon ay isang text lang ayos na. Kung ngayon ay ipe-press mo na lang ang send para mabasa ng crush mo ang message mo, noon ay ipinapadala pa sa “tulay” or sa best friend ang sulat, pag minsan naman iniipit na lang sa notebook para magulat pag binuksan. Noon din ay limitado ang oras sa panliligaw sa crush, aabangan mo pa siya sa kanto para lang makausap mo o “itulod” ika nga, tapos pag nakalagpas wala ng pagkakataon at napakalaking panghihinayang pagsapit ng gabi, samantalang ngayon di mo man siya matiyempuhan pwede mo siyang ma i-text sa gabi. Ang laki na ng pinagbago ng Valentines sa ECRMNHS di ba? Malamang ang di lang nagbabago ay ang pagpunta ng bawat pares sa balete tree upang magpahangin or mag date ika nga.

Mukhang mas madali ang sitwasyon ngayon kaysa noon, dahil talagang sasabihin mo ng personal ang nararamdaman mo samantalang ngayon pwede mo na lang itawag mo i-text, kahit pa nasa Debucao na ang crush mo at nasa Quirino ka di mo na kinakailangang tumawid pa sa nakakatakot na “boundary” upang magparamdam.

Masarap pa ring alalahanin ang mga valentines sa ERCMNHS hanggang ngayon lalo na yung mga panahon na kasama mo pa ang mga classmates mo, crush mo o kahit na kaaway mo, aminin mo na nami-miss mo pa rin siya. Iba ang damdamin diba, lalo na kung makakasalubong mo siya, or the momment na nalaman na niya na crush mo siya or nabasa na niya ang loveletter.

Marami nang nabuong pamilya ang bawat taong valentines sa ECRMNHS, maraming nagkatuluyan dahil sa dagtuan, loveletter na isinulat sa mabangong papel, paghahatid sa Detailen gamit ang iyong bike, panliligaw gamit ang iyong “tulay”, pang-a-away sa iyong karibal at pag-i-inuman sa kanyugan. Marami rin man ang nasaktan noon..ang katotohanan naman ay masarap na lang alalahanin ngayon…

…I-text mo na ang crush mo noon…kala mo lang di ka niya gusto noon, nahiya ka kase eh, di sana kayo ngayon…

Maligayang araw ng mga puso sa inyong lahat…sabi nga din ng iba Happy Valentimes…ganun na rin yun.

Posted in ECRMNHS | 5 Comments »

Aurora Day 2008 Schedule of Events

Posted by Admin on February 6, 2008

For more infomations, news and updates of all the events, visit batangbaler website.

Click on the picture to enlarge.

aurora-day-2008.jpg

Posted in Aurora | 1 Comment »

2007 Division Meet in Quirino

Posted by Admin on February 2, 2008

Para sa mga global batangbalete na na-miss ang pagdaraos ng Division Meet 2007 sa Quirino. Narito ang mga larawan mula sa Sirmarmol Website at ang kaugnay na balita mula sa Maria Aurora Zone blog.

Maraming salamat sa mga kababayan na naging source ng mga balita.

Posted in Maria Aurora, Quirino | Leave a Comment »