
Bukas ng madaling araw ay ang unang araw ng simbang gabi, ang buong Pilipinas ay nagsasagawa ng naturang tradisyon, gayundin sa ating mahal na barangay. Naalala ko tuloy ang aking kabataan, hindi pa gaya ng simbahan sa larawan ang anyo nito noon, kundi gawa lang sa kahoy at di gaanong kalakihan, hirap na hirap akong gumising upang makadalo sa “simbang gabi sa Quirino” dahil sa malamig na panahon na palatandaan ng malapit ng pagsapit ng ating pinakahihintay na kapaskuhan.
Maligayang Pasko sa lahat ng global batangbalete!