batangbalete

Archive for December, 2007

Maligayang Pasko

Posted by Admin on December 25, 2007

061224_merrychristmas.jpg

Merry Christmas to all batangbalete!

Sa mga nasa Quirino…enjoy the “salaan sa plaza”.

Posted in Greetings | Leave a Comment »

Simbang Gabi sa Quirino

Posted by Admin on December 15, 2007

quirino-church.jpg

Bukas ng madaling araw ay ang unang araw ng simbang gabi, ang buong Pilipinas ay nagsasagawa ng naturang tradisyon, gayundin sa ating mahal na barangay. Naalala ko tuloy ang aking kabataan, hindi pa gaya ng simbahan sa larawan ang anyo nito noon, kundi gawa lang sa kahoy at di gaanong kalakihan, hirap na hirap akong gumising upang makadalo sa “simbang gabi sa Quirino” dahil sa malamig na panahon na palatandaan ng malapit ng pagsapit ng ating pinakahihintay na kapaskuhan.

Maligayang Pasko sa lahat ng global batangbalete!

Posted in Quirino | 7 Comments »

2007 Aurora Provincial Meet nagsimula na sa Quirino

Posted by Admin on December 9, 2007

Ang taunang Palarong Panlalawigan o Division Meet ay sisimulang ganapin ngayong araw na ito sa Quirino. Kasunod lamang ito ng Distric Meet na ginanap rin sa ating barangay noong November 19 – 22. Sa anim na araw na ito (December 9 – 14) ay muli na namang tatatak sa buong Aurora ang ating ipinagmamalaking barangay, dahil hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na noong mga nakalipas na dekada ay halos sa bayan ng Baler lamang ginaganap ito dahil sa ito ang sentro ng probinsya. Samakatuwid, fiesta na naman sa Quirino, sikat na naman tayo ika nga.

Kami po ay humihingi ng paumanhin dahil sa hindi mako-cover ng ating site ang prestihiyosong kaganapan na ito sa ating mahal na barangay dahil halos lahat po ng ating contributors ay nakabase sa Maynila. Kaya’t kung sino man po ang nais na magbahagi ng kanilang balita, resulta, mga litrato o mga kwento sa ginaganap na palakasan ay lubos na katanggap tanggap.

Posted in Quirino | 5 Comments »

December birthday celebrants

Posted by Admin on December 8, 2007

Para sa mga batangbalete at batangecrmhs na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Disyembre, kasama namin ang lahat ng taga aminan, abagatan, global batangbalete at global batangermnhs binabati namin kayo ng…

dec07-celebrants.jpg

Heto na sila…

Pasensya na po sa mga hindi naisama, paki-e-mail na lang or pakilagay sa comment kung hindi nabanggit ang inyong pangalan.

Posted in Greetings | 1 Comment »

Panawagan para sa ECRMNHS batch’96 reunion

Posted by Admin on December 2, 2007

Isa sa ating pangunahing layunin ay ang magkaroon ng isang “grand reunion” or para magkaroon ng isang organisasyon ang lahat ng nagtapos ng ECRMNHS (QBHS/QNHS). Isang malaking tulong sa pag-abot ng adhikaing ito na magkaroon ng ugnayan ang bawag magka-klase ng isang partikular na “batch” sa pamamagitan ng pagsasaganap ng kanilang reunion.

Lakip sa post na ito ang listahan ng mga miyembro (partial) ng ECRMNHS batch ‘96.

Para kayo ay magkaroon ng paunang komunikasyon ay maari ninyong kontakin ang mga sumusunod na e-mails :

albertg53@yahoo.com, batangbalete@gmail.com or ecrmnhs@gmail.com

Basahin ang panawagan para sa reunion ng batch’96… Read the rest of this entry »

Posted in Batch 1996, ECRMNHS | 32 Comments »