Nagtapos na po ang paghihikayat ng mga kandidato o pangangakampanya para sa barangay o local na election noong hating-gabi ng ika 27 ng Octubre 2007. Marahil ay nasaksihan ng lahat ang mainit na pulitika na naramdaman noong miting de-abanse sa plaza kung saan huling hinikayat ng bawat kandidato ang mga mamamayan na isulat ang kanilang pangalan sa balota.
At sa araw pong ito ay gaganapin ang isang paghuhusga sa kung sino ang dapat mamuno sa ating barangay. Inaanyayahan ang lahat na lumabas sa araw na ito at bumoto, inyong ilabas ang inyong saloobin na sa pamamagitan ng pagsusulat sa pangalan ng mga nais ninyong maglingkod.
Sana po ay maging vigilante ang bawat isa at tanggapin ang ano mang kalalabasan ng eleksyon, alam nang lahat na bilang mga batangbalete ay umuukit sa ating damdamin ang emosyon ng mga bawat eleksyong nagdaan, nasaksihan ko na ang marami ng barangay elekson sa atin at tandang tanda ko pa ang tensyon sa pamamagitan ng mga iyak, tawa at mumunting komosyon sa mga pangyayaring ito.
Sa anumang kaganapan na hindi na naaayon sa karapat dapat ay sana ay maging matuwid ang ating saloobin at ipagbigay sa mga may kapangyarihan o ipagbigay alam sa buong Quirino sa pag-sigaw sa ating tambayan.
Manatiling alerto at sumubaybay sa kalalabasan ng halalan dito sa ating tambayan. Sa anumang puna at suhestiyon maari ninyong i-text sa 00-BALETE or 00225383.