batangbalete

Archive for September 15th, 2007

Barangay & SK election

Posted by Admin on September 15, 2007

Nalalapit na naman ang isa sa eksayting na eleksyon sa ating barangay. Ayon sa website ng Comelec ay gaganapin ang synchronized SK & Barangay Officials’ election sa October 29, 2007 (as per RA 9164 and 9340 ). Marahil naman ay nakapag rehistro na kayo hindi ba?

Ang filing of Certificates of Candidacy naman ay as per Res 8301 ay sa 29 Sept – 18 Oct 2007 (working days only).

Although hindi magiging accurate ang kalalabasan, nais po nating maglabas ng survey sa gaganaping halalan.

Maari po kayong bumoto sa survey sa pamamagitan ng pagsusulat ng pangalan ng inyong napili sa ilalabas kong forum sa mga susunod na araw. Ang pagboto sa survey ay magsisimula pagkatapos nating ilathala ang mga panagalan ng mga nag file ng certificate of candidacy. Ang survey ay magtatapos limang araw bago ang actuwal na halalan. Minsan lamang pwedeng bumoto at ang site administrators na po ang bahala dito.

Paunawa po na ito ay katuwaan lamang para lang meron tayong mapag-usapan at maging updated ang mga batangbalete sa ibang bansa sa nangyayari sa local nating pulitika.

Paunawa din po na walang pinapanigan ang site natin na sinumang candidate, at isa ring “manifestation” na ang survey ay hindi accurate dahil hindi patas ang makakaboto, sa paraan kasing ito ay ang mga may internet lamang ang makakaboto. Sabi nga ng mga statistician “the sample not represent the whole population”.

Muli katuwaan lang po sa mga gustong makibahagi.

Kung meron naman po kayong nais na maging opisyal pero hindi kandidato ay maari ninyong i-nominate ang pangalan niya dito, malay ninyo makumbinsi ninyo siya pag nabasa niya ito. Ang forum na ito ay bukas kung sa mga debate o opinyon sa nalalapit na halalan.

Tanong : Bilang isang batangbalete, ano ano ba ang katangian ng gusto mong mamuno sa Barangay natin?

Posted in News, SK & Barangay election | 16 Comments »