batangbalete

Archive for September, 2007

Ano sa palagay mo?

Posted by Admin on September 27, 2007

Check niyo nga ang bagong itsura ng ating tambayan, okay ba? Sana ay inyong nagustuhan.

Siyangapala, ang lahat ay inaanyayahan na mag-mungkahi ng ano mang topic na pwede nating i-survey. Heto ang link ng bago nating pakulo, sample lang po ito, or pwede rin ninyong i-click sa kanang bahagi ng ating site na may pamagat na “ano sa palagay mo”.

Pwede nating pagbotohan ang kung ano ano, sino ang pinaka-magaling na titser sa ECRMNS or QES, sino ang pinakapogi sa Quirino, sino ang pinakasikat, sino ang pinaka-magaling na Mayor, Kapitan o SK. Basta bahala na kayong mag suggest. Atin ito, taga dito ka, magkakapamilya, magkakapuso, at magkakabalete tayong lahat.

Singapala, mga taga ECRMNHS mag comment naman kayo sa Provincial Mathematics Camp @ ECRMNHS. Tatlong banderitas lang sana naman matulungan natin sila.

batangbalete

Posted in Information, Patalastas | 10 Comments »

Provincial Mathematics Camp @ ECRMNHS

Posted by Admin on September 24, 2007

Hello Guys,

ECRMNHS will be hosting this year’s Provincial Mathematics Camp on October 11, 12 & 13, 2007. Math wizards from different schools in the province will be meeting at our proud little school.

In this regards, the teachers are asking us, alumni, for financial support. Mrs. Lucila Japson told me that they need at least three streamers to be posted in strategic locations to welcome the guests. For more information about how we can help, please contact the following persons:

Mrs. Estrellita Baligad – 09218720576
Mrs. Lucila Japson – 09287080634

Our humble contributions will surely help make this event successful.

Thanks in advance,

Certified Public Addict

Posted in ECRMNHS | 1 Comment »

Corrections

Posted by Admin on September 21, 2007

It’s better late than never. The correction below was commented by silentdragon.

united-batch.jpg

They belong to 3 batches of QBHS. (‘84,’85 & ‘86). The two boys are Greg De Afria (’84) & Ruben Repato(’84). From right to left, Evelyn Oropilla (’84), Benilda Lampa(’85), Joy Castillo (’85), Imelda Soverano(’85), The teacher was Miss Villegas , Arminda Parocha (’85), Imelda Macabontoc (’86) & Josefina Nisperos (’84).

by silentdragon

Posted in ECRMNHS | Leave a Comment »

Bakit namin kayo iboboto?

Posted by Admin on September 19, 2007

As press time ay mukhang postponed po ang Eleksyon na ating tinutukoy, pero ayon sa aking nabasa ay hindi pa siguradong malilipat ng date ang botohang ito. Kaya’t siguro ay pwede ng simulan ang kampanyahan sa ating site.

Kung sa TV po ay may bayad ang pangangampanya, sa batangbalete website ay ito ay libre. Kakaunti man ang inyong “audience” sa internet ay marami namang makakabasa sa inyong mga palataporma. Di man makakaboto ang mga bata batangbalete sa ibang bansa ay inyo namang maisisigaw sa buong mundo ang inyong mga adhikain na makakapagpatunay na seryoso kayo sa paglilingkod sa Quirino, Maria Aurora, Aurora.

Kaya’t inaanyayahan ko ang mga kandidato sa barangay chairman, barangay kagawad, SK chairman at SK kagawad na i-sumite ang inyong mga banners, larawan, campaign slogans, o campaign platforms at ipadala sa e-mail batangbalete@gmail.com.

Ginagrantiyahan ng site administration na mailalabas lahat ng inyong kampanya. Pwede rin po kayong gumawa ng sarili ninyong thread sa “message forum”. Pwede rin nnyong sabihin na kung sino ang gudto ninyong tumakbo.

Katuwaan lamang po, lahat po ay imbitado kahit hindi pa kandidato, ang site pong ito ay para sa lahat walang hinihindian.

Posted in SK & Barangay election | Leave a Comment »

Barangay & SK election

Posted by Admin on September 15, 2007

Nalalapit na naman ang isa sa eksayting na eleksyon sa ating barangay. Ayon sa website ng Comelec ay gaganapin ang synchronized SK & Barangay Officials’ election sa October 29, 2007 (as per RA 9164 and 9340 ). Marahil naman ay nakapag rehistro na kayo hindi ba?

Ang filing of Certificates of Candidacy naman ay as per Res 8301 ay sa 29 Sept – 18 Oct 2007 (working days only).

Although hindi magiging accurate ang kalalabasan, nais po nating maglabas ng survey sa gaganaping halalan.

Maari po kayong bumoto sa survey sa pamamagitan ng pagsusulat ng pangalan ng inyong napili sa ilalabas kong forum sa mga susunod na araw. Ang pagboto sa survey ay magsisimula pagkatapos nating ilathala ang mga panagalan ng mga nag file ng certificate of candidacy. Ang survey ay magtatapos limang araw bago ang actuwal na halalan. Minsan lamang pwedeng bumoto at ang site administrators na po ang bahala dito.

Paunawa po na ito ay katuwaan lamang para lang meron tayong mapag-usapan at maging updated ang mga batangbalete sa ibang bansa sa nangyayari sa local nating pulitika.

Paunawa din po na walang pinapanigan ang site natin na sinumang candidate, at isa ring “manifestation” na ang survey ay hindi accurate dahil hindi patas ang makakaboto, sa paraan kasing ito ay ang mga may internet lamang ang makakaboto. Sabi nga ng mga statistician “the sample not represent the whole population”.

Muli katuwaan lang po sa mga gustong makibahagi.

Kung meron naman po kayong nais na maging opisyal pero hindi kandidato ay maari ninyong i-nominate ang pangalan niya dito, malay ninyo makumbinsi ninyo siya pag nabasa niya ito. Ang forum na ito ay bukas kung sa mga debate o opinyon sa nalalapit na halalan.

Tanong : Bilang isang batangbalete, ano ano ba ang katangian ng gusto mong mamuno sa Barangay natin?

Posted in News, SK & Barangay election | 16 Comments »