batangbalete

Fiesta 2007 1st update

Posted by Admin on June 11, 2007

Muli, heto ang isang liham ng paghihikayat na mag-ambag ng konting pansin sa ating lugar na pinagmulan. Taon taon namang tradisyon na ang tinutukoy ng letter sender kaya’t sana ay maging matagumpay ang “pag-iikot” ni Konsehala. Para naman maging matagumpay ang ating Fiesta 2007. Di ba taon taon pag umuwi ka cool naman talaga ang kasayahang iyan?

Para po sa mga “international batangbalete”, makipag-ugnayan lang po sa amin via e-mail at aming ihahatid ang inyong mensahe sa kinauukulan.

Kung may maitutulong ang ating tambayan sa paghahatid ng announcement ay open po.

Muli salamat sa letter sender. Heto ang liham para maintindihan naman ninyo ang aking pinagsasasabi…

Bossing,

May nabalitaan akong nag-iikot na si Konsehala Salva Magdirila para magsolicit ng gagamitin sa piyesta. Hindi ko sure pero pano ba tayo makakatulong dito? Itong site na ito ang pinakamabilis na paraan para makapagcontribute naman ang may maikocontribute, lalo na yung mga nasa ibang bansa.(peace)
Kindly inquire naman po about the updates on the upcoming event. Time is really running so fast.
Thank you po, boss. Please don’t get mad on the term “boss”. :-)

Joselito A. Japson

Sagot ni batangbalete :

It’s okay Joselito, mas maganda sana kung makakakuha tayo ng pangalan at telephone number kung sino ang pwedeng kontakin para sa contribution. Pag may alam kang contact points let me know para mai-post natin.

About our friends sa abroad, papadalan ko na lang sila ng e-mails or message sa friendster kung mayoon na tayong updates kung paano makakatulong.Maganda rin SANA makakapag provide ang barangay festejos ng solicitation letter kahit informal lang para ating ma- ilagay din sa site.

Hindi mo man naitatanong ay naging paksa na dati sa ating site ang tungkol diyan, dahil diyan ay nagpapasalamat ako sa inyo na may mga malasakit na tumulong sa ating barangay.

Ang mga sumusunod ay related comments na nahalukay ko sa site, di ninyo lang alam 3 months ago ay may nag suggest na i-post natin ito. So kung nagbabasa si Juville from Dubai (or anyone), i-post mo na ang contact details ng mga solicitors para mabasa ng mga batangbalete.

Juville: take note: as a quirinians, you must share ur blessings by providing some financial help during those events..anyway ilalagay nman name mo sa souvenir programme..ayaw mo b nun?

bb :Yah, it’s right let’s share the blessings. Just give me the contact details of the persons involve and ask them to e-mail the details on how to donate and we will post it here.

Juville: no worries..we’ll search for that! during month of may.. ayan, start n yung mga member ng pestejos to raise their funds..so we still have time to save for the donations and contributions..malayo man tayo, tulong natin makararating..for the success of our barangay!..ill just give you all the contact details once confirmed! then ikaw n bahala mag post..

11 Responses to “Fiesta 2007 1st update”

  1. AEROSMITH said

    nasa DISYERTO man ako, tutulong at 100% na sumusuporta sa inyong mga adhikain, pipilitin ko pong makarating ang aking kontribusyon para sa ating piyesta de barangay,sukdulang gamitin ko ang kamel para maihatid lang po aking munting donasyon…

  2. agpa amianan said

    COUNT ME ON.

  3. certified public adik said

    uyy
    share our blessings
    for us to receive tenfold
    hehehe
    go quirino!!!

  4. George Bush said

    Ako rin sama ako sa tulong, di ko nakakalimutan yan taon taon, sa mga batangbalete sa abroad, ihagis naman ninyo ang barya ninyo sa fiesta.

  5. silentdragon said

    first of all,i want to congratulate our brgy. quirino dahil sa website na ito. at sa iyo batangbalete saludo ako sa yo.

    Lito, congrats din CPA Top 9,bigat. Ikaw yung batang maliit na malikot noon sa simbahan kasama si uncle cesar who leads the bible services during sundays.

    and for the fiesta 2007; thats nice idea, binalak man namin noon na malaman ang mga address ng mga quirinians sa manila and abroad ay hanggang balak na lang.but now,sa pamamagitan ng website na ito at kay batang balete magiging madali ang lahat.keep up the good work! suportahan taka!

  6. tapwak malanis said

    good idea mga kabarangay… marami talagang interesadong magbigay ng donasyon lalo na kung alam nilang para ito sa mahal nating barangay… kaya dapat may mag-initiate na para mai-centralize ang collection… bkit di tayo mag-open ng bank account exclusive for this para madali ang pagbibigay at paglilikom. and one more thing, sana may financial report naman ang festejos pagkatapos ng fiesta … so the good donors may know…more power!!!!

  7. agpa amianan said

    Malapit na fiesta ng quirino,, balita ko ongoing na ang solicitation.. Batang balete paano ba natin macocontact mga Kabaranggay natin in and out the country.

  8. center stage said

    p-update nln po.kng pwede ung mga uuwi eh picturan nyo ung mga kgnpan dun or better yet povideo nln msmganda and pls post it po pra nmn prang nkaattend n rn kme ng fiesta.mlyo man malapti p dn.d po b?

  9. Dahongpalay said

    I have an info that ate Yoli & the gang are currently in metro manila area seeking fund from generous Quirinians over there…

  10. batangbalete said

    Sana nga po ay may mag donate ng pictures or kwento sa ating site sa mga gustong mag cover ng Fiesta ‘07, wala po kaming pam-pasweldo sa inyo pero ang inyo pong kontribusyon ay makakapagpa-pa-sama sama sa lahat ng Quirinans all over the world. At marami rin ang matutuwa lalong lalo na ang mga batangbalete sa middle east na parating nag e-email sa akin. Kung gusto ng festejos na pasalamatan ang mga nag-ambag or donors ay welcome ang site. Lahat ng inyong requests ay mailalabas promise mga kababata!!!

  11. isNabEra said

    ok nga tong ganito atleast updated ang mga nasa ibang lugar tungkol sa mga kaganapan sa hometown nila.. maswerte ang mga taga Quirino kasi meron isang henyo na nakaisip gumawa nito.. sana magtulungan para lalong maginspire si batangbalete sa pagdevelop ng site na ito.. isa kang henyo binabati kita! hehe.. ^_^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>