Gusto ko munang ilabas ang isang liham ng isang batangbalete upang makahikayat ng madaming miyembro ng sa gayon ay mas madaling makakatulong ang site natin sa napakagandang proposal ng isang grupo. Naglahad na sila ng concrete and detailed plans kung paano isasakatuparan ang plano, hihintayin ko muna ang inyong mga comments dito bago ko ilabas ang kanilang plano.
Samantala, ang tampok sa huling araw ng linggong ito ay ang batch 2002 na gustong makilala bilang “batch na laging bago”. Madami akong kakilala sa batch na ito, pero hihintayin ko na lang ang mga miyembro nito na magpakilala.
Kung napapasin ninyo ay inuuna namin na pagsama-samahin muna ang magkaka-batch, ito ay upang maging mas madali nating mabuo ang united batch o ang tinatawag ng madami na “grand alumni”.
“Batch na laging bago…pasok….!!!” Read the rest of this entry »