batangbalete

Archive for May 18th, 2007

Kumusta na?

Posted by Admin on May 18, 2007

Salamat naman at nakabalik na ako sa aking lungga. Panay na ang text sa akin ng ibang batangbalete na wala daw updates. Pasensya na mga kabalete at kaermnhs, hindi naman ibig sabihin na wala tayong updates lagi sa postings eh, titigil na tayo sa ating “pas-pa-simuk”, hindi ah. Kahit walang postings, sumigaw ka lang dito at maririnig na sa buong Quirino at ERMNHS ang boses mo.

Sa katunayan nga ay may bagong batch na magpaparamdam ng presence next week, meron ding suhestion at proposal para madagdagan ang layunin natin, hintayin ninyo at ilalabas natin. Pasensya na muna sa mga nag-email na hindi ko mabigyan ng reply, hahanap ako ng tamang oras para dyan dahil sobrang busy sa trabaho, eleksyon, pagsusulat, pagbabakasyon at pamamasyal. Pansamantala ibalato naman ninyo sa mga moderators ang weekends para makapag rest dahil nakakapagod ang week na ito, batid din naman namin na kayo rin ay may mga priorities, basta’t ilagay lamang natin sa ating isip na meron tayong site. Sabi nga ng iba ay may potential daw ang ating “tambayan” na magtagumpay sa ating layunin. Read the rest of this entry »

Posted in ECRMNHS, Quirino | 6 Comments »