Noon at ngayon
Posted by Admin on May 3, 2007
Noon (1983)

(ECRMNHS doing the traditional “gamas sa hapon”. Ang larawan ay galing kay Ms PB)
Ayon sa aking napagtanungan ay ginaganap din daw ang mga klase ng ECRMNHS noon sa tapat ng elementary kung saan nakatayo ang barangay hall ngayon. Ang bahay sa likod ay ang bahay ni Polantic Ronquillo, yung nakatayo sa dulong kanan na nakasuot ng kulay green ay si dating Bb. Ecuan, habang nakaupo sa dulong kanan si G. Aragon, ang huling dalawang nabanggit ay dalawa sa mga unang naging mga guro ng ECRMNHS. Ipagpaumanhin ninyo dahil hindi ko na “mabigbig” ang mga estudyante, kilalanin mo na lang sila baka kuya o ate mo pa sila, o mamaari ding nanay o tatay mo na.
Ngayon (2007)

(Bagong mukha ng Quirino Brgy. Hall”. Ang larawan ay galing sa ironic batch ‘95)
Sa parehong angulo (angle) ng larawan sa itaas kinunan ang larawan sa ibaba. Ang larawan ay ang imahe ng Quirino Barangay Hall ngayon na nabanggit sa larawan sa itaas na pinagdarausan din ng mga klase ng mga unang batch ng ECRMNHS.
Ang unang larawan ay binigyan ng kwento ni The Quirinan habang ang huling larawan ay idinagdag lamang ni batangbalete sa orihinal na kontribusyon.
Jack Maawatan said
Nice pictures, wowowee!!! Parang kailan lang yan, ganyan na pala ngayon. Salamat sa column natin.
batang amianan said
wow!!!!! nice one..antagal ko nang hindi nakikita ang quirino..alam nyo bang kung hindi ninyo sinabi ang lugar na yan ay diko malalaman…he he he nakakatuwa parang gusto ko tuloy umuwi..salamat
agpa amianan said
ganyan pala ang itsura ng brgy. hall dati, tingnan mo nga naman ang panahon.,, ang lupet talaga ng site na to.. Natatandaan nyo pa ba nang ipininta ni kuya Silver at kuya kid iyong “great seal ng Quirino” sa water tank..Kuya Onnon kung nababasa mo to, pakisend naman kay batang balete yong “The Great Seal” na ginawa mo noon, kung okay lang.
aerosmith said
HEHEHE…heto na ang pinaka hihintay natin..o heto na..heto na..heto na! hah ha!……
batang-balete..paki-zoom nga po kung makikita nyo yung mga pangalan ng opisyales ng baranggay na nakasulat yata sa mga rectangle white na nakasabit sa bubong na yero sa may bakod
.hehehe..kung mababasa lang naman po at kung hindi ok lang…tagal ko na kasi gusto malaman kung sino-sino mga opisyales de barangay sa quirino…
George Bush said
Aba nabuhay si Aerosmith, kumusta na? Di na ako masyadong nakaka visit kase busy sa trabaho, pasensya na batangbalete, pero siyempre dito pa rin ako lagi pag may time. Tuloy tuloy lang. Ok ang post ngayon galing ng comparison, ganyan pala ang brgy. hall noon.
certified public adik said
Ang walang kamatayang “gamas”
Nagbago na ang quirino, pero andun pa rin ang gamas. Tanda ko pa nung panahon namin kay Mrs. Viloria (Simon noong dalaga), kahit Values Education naggagamas kami. Hahaha values na natutunan – matutong sumunod at maging masipag. Kaya naman walang dudang masisipag ang mga batang balete.
George Bush said
Ako rin sawang sawa sa gamas, mula elementary hanggang hayskul, “ub-beng agawit kayo iti buneng ag gamas kayo nu alas tres” laging ganun na lang. So in pa rin pala ang Quirino Schools sa “gamas tradition”. Nice post batangbalete!!
silentdragon said
nice pic! at para sa kaalaman ng iba i want to share what i can recognize from the old picture:
they are the first graduate of QBHS but actually they are all transferee from different high school like MCHS and Wesleyan,Iyan ang pagkakaalam ko? i think this batch is 2nd year already when they transfer QBHS. To name the few; Adong Obar is seated far left and his brother Manding Obar seated next to mr aragon.and the two girl standing are Lucila Viloria Japson and Digna Galande