Posted by Admin on May 31, 2007
Medyo matagal na din tayo sa ere, malapit ng mag-tatlong buwan simula ng tayo ay sumikat, sino ang mag-aakala na marami ang nagkita-kita na bihira ng magkita dahil sa ating site.
Marami kaming natatanggap na mga suhestiyon mula sa mambabasa lalo na sa ibang bansa na sana ay magtuloy tuloy ang airing ng ating istasyon. Nakakatuwa din at kahit malayo kami sa lugar na siyang ating topic ay nakakakalap pa rin kami ng mga postings galing sa mga mambabasa at mga may kagustuhan na ipag patuloy ang serbisyo ng ating munting “tambayan”. Kagya’t lamang ay limited sa oras ang ilan sa tumutulong sa atin dahil sa nature ng kanilang trabaho.
Sa ngayon halos lahat ng “feeds” ay nanggagaling sa mga e-mails galing sa mga batangbalete, halos kokonti lang ang orihinal na komposisyon ni BB.
Sa madaling salita, sa palagay po namin ay hindi pa sapat ang impormasyon na aming naipapamahagi, kumbaga ay bitin pa.
Nais po sana naming anyayahan ang iba na magbigay ng suggestions or mga artikulo, mas maganda sana kung magkakaroon tayo ng “correspondents” galing sa ERMNHS or sa Quirino, Detailen, Debucao, Sta. Lucia, San Leonardo o Dikildit mismo, kung sino ang interesado ay mag e-mail lang sa amin.
Nanghihikayat kami ng mga “correspondents” upang humaba pa ang buhay ng site at maisakatuparan ang ilan sa mga hiling ng mambabasa na sumusunod:
- Para magtagumpay ang “proposal”
- Grand reunion sa isang grand mesa sa grandeng party sa plaza sa New year
- Fiesta 2007 coverage
- Regular postings
- Pagbuo ng alumni association
- Pagbuo ng association of Quirinians
Posted in Help, Patalastas | 3 Comments »
Posted by Admin on May 29, 2007
Posted in Hulaan Blues | 14 Comments »
Posted by Admin on May 27, 2007
Here is the complete results of the 2007 local elections for the Province of Aurora.
Congressman : Juan Edgardo M. Angara
Governor: Bellaflor Angara-Castillo
Vice Governor: Gerardo A. Noveras
Board Members – First District:
Mariano C. Tangson
Oscar W. Padua
Pedro Ong Jr.
Shierwin Taay
Board Members – Second District
Denia P. Valin
Danilo Tolentino
Joselito Cabauatan
Renato Pascua Read the rest of this entry »
Posted in Aurora | 2 Comments »
Posted by Admin on May 25, 2007
Gusto ko munang ilabas ang isang liham ng isang batangbalete upang makahikayat ng madaming miyembro ng sa gayon ay mas madaling makakatulong ang site natin sa napakagandang proposal ng isang grupo. Naglahad na sila ng concrete and detailed plans kung paano isasakatuparan ang plano, hihintayin ko muna ang inyong mga comments dito bago ko ilabas ang kanilang plano.
Samantala, ang tampok sa huling araw ng linggong ito ay ang batch 2002 na gustong makilala bilang “batch na laging bago”. Madami akong kakilala sa batch na ito, pero hihintayin ko na lang ang mga miyembro nito na magpakilala.
Kung napapasin ninyo ay inuuna namin na pagsama-samahin muna ang magkaka-batch, ito ay upang maging mas madali nating mabuo ang united batch o ang tinatawag ng madami na “grand alumni”.
“Batch na laging bago…pasok….!!!” Read the rest of this entry »
Posted in Batch 2002, ECRMNHS | 4 Comments »
Posted by Admin on May 24, 2007
Though not compulsory but we are need your comments. Please put some comments about the article on proposal. Read here.
Reminder requested by : batangbalete sa Europa (e-mail)
Posted in Patalastas | Comments Off