ECRMNHS ngayon
Posted by Admin on April 18, 2007

(Isa sa mga bagong gusali ng ECRMNHS. Ang larawan ay galing sa Ironic Batch ‘95)
Kung inyong ikukumpara ang larawan sa itaas sa larawan ng ECRMNS first building na lumabas sa ating previous post, sadyang napakalaking pagkakaiba hindi ba?

(Kuha mula sa gate, basketball court at ibang gusali ng ECRMNHS. Ang larawan ay galing sa Ironic Batch ‘95)
Napakarami ng nagbago hindi ba? Halos hindi natin namamalayan ay lumilipas ang panahon, ngunit marami sa atin na mula ng magtapos ay hindi na naalala ang ating alma mater, kaya’t heto ang handog ng site natin sa lahat ng mga medyo hindi na nasilayan ang ating mahal na paaralan mula ng sila ay magtapos. Sana ay manariwa sa inyong ala-ala ang mga nakaraan at magdulot sa inyo ng mga ngiti ang mga pangyayari na inyong naranasan sa loob ng apat na taon na namalagi kayo sa paaralan natin.
Sa mga alumni na namamalagi na sa ibang lugar at bansa, marahil ay ang mga larawang iyan ay bago na sa inyong paningin, kaya’t sana minsan pa ay muli kayong bumalik at bisitahin ang ating inang paaralan.
Ang lahat ay ala-ala na lamang ngunit kay sarap alalahanin hindi ba?

(Ang building ng ECRMNS noong 1980, matapos sirain ng isang malakas na bagyo. Ang larawan ay galing kay Ms. PB)
Ikaw, ano ano ang malulungkot, nakakatuwa at mga hindi malilimutan mong karanasan sa ECRMNHS?
ironic 95 said
sariwa pa sa aming ala ala ng bisitahin naming mag kakabatch ang ERMNHS noong semana santa, agad naming na alala ang mga nakaraang lumipas, tawanan, harutan, kalokohan, at marami pang iba. Maniniwala ba kayo na mula sa buong magdamag ay wala kaming kasawa sawang binagbibidahan ang mga masasayang nangyari sa ERHMNS ant QUIRINO. Nakaktuwang isipin na para kaming mga highschool noon kung umasta. Kaya payo ko sa inyo, minsan ay inyong dalawin ang QUIRINO o ERMNHS.
Salamat Batang balete.
George Bush said
Wow..bagong building di ko pa nakikita yan, malamang yan yung sinisira noong huling uwi ko noong 2004. Akalain mong meron na pa lang two story building sa ERMNHS, sa susunod na 10 years malamang 10 floors na saka may elevator. Keep on growing ERMNHS…andami ko ding ala ala sa school na yan, kulang ang maghapon para mag kwento.
aerosmith said
huh!..two story buliding?…meron na ba sa high school yan?..kala ko plano lang yan noon..di ba ilang ulit ng naudlot ang pagpapatayo ng building na yan,…saan ba nakatayo yang building na yan?..may flag pole eh naluma…kung doon pinatayo yan eh di giniba yung isang building na yun?..
dahongpalay said
Naalala ko nong bata pa ako, admire ako sa pagka-artistic ng students and faculties ng ECRMNHS (still QBHS that time)nun. Im still in elementary that time and my sister was in that school. Meron silang coconut building nun, well lays of medicinal plantation managed by each year level , crafted fences and booths all around with beautiful plants. Its cool.. Beautiful n witty teachers too.. Lalo pag foundation nila, waww.. Its amazing! Its fun! Kaya dun din ako naghigh school and im very proud of it though wala ng coconut building nun. Heto pa! Boys n Girls scout time, the best! Pagandahan ng tent, wheoww, second place lang kami nun hahah!Daling magbuilt ng tent kasi forest pa ang surrounding nun. Pero nanalo kami sa unahan ng pag-build ng fire using a piece of wood lang. My buddy used a lighter secretly, lols! Mga bata wag gayahin to, heheh.. I cant wait to see on this this the words:
“Batangbalete presents:
The 200X ECRMNHS GRAND ALUMNI HOMECOMING”
Mabuhay ka batangbalete!
Administrator said
That’s right dahongpalay, talagang cool ang ating alma matter, kung di mo natatanong academically we are one of the best. About your experience, I definitely agree with you, talagang naririnig ko na yang coconut building na yan and you’ll be surprised one time kase parang may nag-email sa akin ng picture nyan..I’ll find it muna then i-post natin. About booths, foundation days and scout things naman, yeah it’s realy great, I personaly experienced it.
Administrator said
“THE 200X ERCMNHS GRAND ALUMNI HOMECOMING” wow okay din yan, thank you sa suggestion…marami na daw gumawa but kulang ng support from alumni. Let’s try this time, sana maging instrumento ang site na ito para maabot ang iba. In due time I will try to coordinate with the presidents of yearly gradutes.
ironic 95 said
THE 200X ERCMNHS GRAND ALUMNI HOMECOMING,, NADIDINIG KO NA NGA YAN. BAKIT DI NATIN ISAKATUPARAN YAN. GAWIN NATING INSTRUMENTO TONG SITE NATO SABI NGA NI ADMINISTRATOR.
certified public adik said
nakikita nyo siguro yung 2 aso sa may basketball court. Yun ay mga anak-anakan ni G. Pate Reseuno. Ang lola ng mga yan ay nagngangalang Tutu. Nakakalat na ang lahi ni Tutu, meron yata si Ma’am Tiburcio saka si Ma’am Chat. At higit sa lahat, ang tagapagalaga ng mga yan ay alumnus din ng ECRMNHS – si Tsong Alex. Yan po ang kwento ng 2 aso.
certified public adik said
Napapanahong komento
Masdan nyo ang 2-storey building na iyan. Napakaganda di ba? Maganda talaga, lalo pag malapitan. Pero subukan mong lumayo…sige layo… tapos tumingin ka sa bubong. Di ba’t nawala ang ganda? Bakit ganun?? Bakit andun ang pangalan ng pulitiko na nagpagawa niyan? Pera ba niya ang ginamit sa pagpapagawa niyan? Hindi ba’t pera naman nating mga taxpayer ang ginamit diyan? Saka tungkulin nilang magpagawa niyan, bakit kailangan pang ipangalandakan na proyekto nila yan… Nakakawalang gana…
Kailan ba mawawala ang ganyang ugali ng mga pulitiko sa ating lugar?
Katabi ng building na iyan nung bagong gawa pa lang ay ang tatlong mukha na makikita mo sa kahit lahat ng lugar na may ipinapagawa ang gobyerno. Kung sa biblia ay holy family, eto ay holy three… Iminumungkahi ko ang pagbura sa nakasulat sa taas, itira na lang ang ECRMNHS.
Lupin the III said
Sang ayon ako sa mungkahi mo CPA, di na dapat isunusulat yan kase di naman nila pera ang ipinagpagawa. Bayaan ninyo at pag naging congressman ako gagawa ako ng bill na pagbawalan ang pagsusulat ng ganyan.Pero sadya yatang nasa sistema na ng mga pulitiko hindi lang sa ating lugar ngunit sa buong Pilipinas na ilagay ang kanilang mga pangalan sa mga proyekto nila. Yung iba at least gumagamit ng “…from the taxpayer’s money through the effort of…” pero it’s the same thing. Yun nga at di dapat, ngunit sa ganang akin ay mas bigyan na din natin ng timbang ang buong gusali kaysa sa mga nakasulat dito. Iwasan na lang nating basahin kasi inis din ang dumapo sa akin ng aking aninagin ang nakasulat sa unang pagbasa, anyway it’s still a big WOW for the new building less the graffiti.
aerosmith said
hehehe..nakaka-bwisit nga ang mga pulitiko na yan…cge hayaan nyo mga KA-BALETE ko at ipapabura ko yan kay “KIDS”…hehehe cya yata kumuntrata niyan…hahaha!…or
para mas mabilis ang pagbubura sa pangalan ng mga put******** pulitiko na yan..ipabura na lang natin kay batang balete hehehe…okey ba yon?…okey ba yun?..okey ba yon?…
George Bush said
Tutol din ako sa paglalagay ng pangalan ng nagpagawa, pero sa aking damdamin pag ako ang pulitiko na nagpagawa niyan papalagyan ko din na priority project ko yan kahit mali pero maliit lang dun lang sa may pinto parang lapida, pero kahit na malaki maliit pareho lang na nagyayabang daw….hehehe. Eh kung di pwedeng ilagay pano malalaman na nagawa yan dahil sa pulitiko, eh baka di na nila ito iboto sa susunod. Di rin ako ayon, pero may banda na naiintindihan ko sila. Parang yung ERMNHS lang yan, hindi si ECRSr. ang may ari at nagpagawa ng school pero nakapangalan sa kanya ito, dahil isa siya sa naging instrumento para magawa, maipatayo at mabigyan ng lugar ang paaralan.
Administrator said
Kaya kong burahin yan pero ipaalam muna natin sa may-ari ng picture ang ironic batch ‘95, pero di na rin siguro nararapat dahil walang anumang intensyon ang site na ito sa anuman. Issue na ng pulitika yan, medyo wala akong alam masyado. Wala akong pangarap na maging pulitiko pero pangarap ko na magkaroon pa ng madaming buildings sa ERMNHS. Paalala sa bawat isa na maging mahinahon.
certified public adik said
Pasensiya na BB at di ko talaga mapigilan sa pag-init ang ulo ko pag nakakakita ng ganyan. Gusto ko ngang sunugin noon yung tarpaulin na kinalalagyan ng tatlong mukha ng Angara. Useless din pala kasi andun na yung pangalan nila sa taas.
No choice kundi ignore.. Susulat nalang ako sa PDI sa Youngblood para dun ko isigaw ang inis ko. Heheh cool…
Dahongpalay said
It’s in the genes of the politic system na kasi sa atin yan. Di tuloy disenteng tingnan pagka may ganyang pangalan ng pulitiko in kingkong size fonts. Ok lang maglagay kahit sa mauunlad na bansa ay may nakalagay na mga ganyan pero nasa lapida mostly sa harap.As G.Bush commented, ganun lang dapat na makikita mo lang sa malapitan di katulad nyan na talagang ibinabandera. Dapat nga mailapit sa nakakataas para magawan ng batas sa pagbabawal ng mga ganyang istilo ng mga pulitiko.
Administrator said
Ok lang ang any comment CPadik, nung ipinadala sa akin via email ang larawan nakita ko din yun. I was also affected, just like before I was one time maka-kaliwa, but they are politicos, the only thing we can do right now is not to vote for them or vote for them, gamitin na lang natin ang kaisa-isang panglaban ang kaisa isang boto natin, but let’s make it sure it will be counted. Kung yun ang nararamdaman mo, your comment is welcome and future comments with the same tune are very welcome also para naman mabasa nila ang nararamdaman natin.