Pintahan mo nga! Baka mamaya batangbalete pa yung nag-dive o baka yung traysikel mo pa yung tumutulay. May bayad pa nga noon bawat tawid hindi ba? Tapos pag nagtitipid ka ka-kanan ka sa pag-akyat sa may bahay ni Kapitan Cabanday ng Sta.Lucia, (pakaliwa ay pa-Bagtu) dadaan ka sa sawmill, tapos “kan-yu-gan”, tapos balete park, labas mo sa ERMNHS na, Quirino na.
Kung sa Malopa nga yan, yang tulay na iyan ay kongkreto na ngayon. Wasabe!
Nakakatuwa naman at napakaraming interesado sa pag-papatuloy ng site na ito. Mula noong isang araw hanggang kanina, ang mga bumisita na sa ating site ay mga batangbalete at batangERMNHS na nakabase sa Manila, Makati, Alabang, Bulacan, Rizal, Benguet, Quezon City at Pasig. Sino-sino kaya sila?
Sa ibang bansa naman may mga bumisita na din galing ng Riyadh, Jeddah at Dammam sa Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait, Dubai, UAE, Singapore, London, UK, Korea, Taiwan, at meron pa sa Texas, USA. Ganon na ba kalayo ang nararating ng mga batangbalete at mga produkto ng ating alma mater? Wow ang ga-galing naman nila. Read the rest of this entry »